Paninilbihan

 
Response to request and dedicated to : ohitsmishie, reylangarcia

Special mention to: charmtaz24

(I know, I know, I am so sarry. Sobrang naging busy lang sa totoong buhay. Pero I’m back. Hahaha So eto muna, “Sarry” in advance. Hihihi)
 
Mamang: Eh Richard, may mga tradisyon kaming sinusunod dito sa San Nicolas kapag naninilbihan ang isang lalaki. (teases)

NT: Nay naman!

SC: Huwag po kayong mag-alala Mamang, Nay Teresita, Cristina Rose lahat po gagawin ko para kay Maya.

Mamang: Lahat? (teases)

NT: Nay, ano ba?

Mamang: Aba eh kina klaro ko lang naman Teresita. Mainam na yung maliwanag, Di ba Richaaaard.

Kute: Mamang!

SC: Ok lang po yon.

Mamang: O sige alam kong pagod kayo ni Maya sa byahe kaya magpahinga na muna kayo at ituloy natin ito tomorrow. Tara Richard, samahan kita sa magiging kwarto mo.

Sinukbit ni Mamang ang kanyang braso sa braso ni SC at mukhang yayayain sa kwarto niya.

Kute: Mamang!

Hinila naman ni Kute si SC.

Kute: Naku Sir Richard pasensya na kayo kay Mamang ha.

Napangiti na lang si SC at sinabi:

SC: It’s ok Cristina Rose and Richard na lang din itawag mo sa akin. tutal magiging “Ate” na kita. (Smiling)

Kute: Ah ganon …Ate talaga? Ah , sige Richard, (kapal ah.)

Sc: What is that?

Kute: Ah wala Richard. Sige uhm, dito na lang muna kayo sa kwarto ko at tabi na lang muna kami ni Cho kay Maya sa kwarto niya.

SC: Salamat Cristina Rose, pasensya na sa abala. (Smiles)

Kute: Naku Richard walang wala ito sa tulong mo sa akin dati. Pero ayan ha quits na tayo.

Fist pump.

SC: Sige Cristina Rose, salamat ulit.

Maya: Ah Kute, kausapin ko lang si SC ah.

Kute: Ah sige sige, pero USAP lang ha. (Masamang tingin)

Maya: Naku Kute, ikaw talaga! (Sabay hampas)

Pumasok sila sa kwarto.

Maya: Ready ka na ba bukas?

SC: Ano bang tradisyun yun?

Maya: You know, magpadede ng bata, magpaligo ng isda, mamalantsa ng kunot na noo. Mga ganoon.

SC: Sige, nakatulong yang mga sinabi mo.

Maya: Joke lang. Actually ang tradition dito dati yung mga lalaki nagiigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, yung mga ganoon. Para ipakita nila yung worth nila sa family ng babae.

SC: Uso pa ba yun?

Maya: Nag rereklamo ka ba? Eh kasasabi mo lang na kaya mong gawin lahat para sa akin ah.

SC: Nagtatanong lang. Ito naman.

Nagtwanan sila.

SC: Eh, wala ba akong goodnight and goodluck kiss?

Maya: Sssshhhh ano ka ba marinig ka nila Mamang, alam mo naman yun.

May sumigaw naman sa labas ng kwarto.

NT: Maya gabi na matulog na tayo!

Maya:Ayan sige na sige na goodnight.

Palabas na si Maya ng kwarto ng bumalik ulit kay SC at hinalikan sa lips.

Maya: Goodluck!

Sabay takbo palabas.

SC: (That will do) Lord, give me strength tomorrow.

6AM

Mamang: Rise and Shine everybody! Aba gising ka na pala Richard. Mahimbing ba tulog mo?

SC: Nakatulog naman po ako Mamang (Ng isang oras)
 
NT: Tara na at makapag agahan.
 
Lapit naman si Maya kay SC.
 
Maya: Hindi ka nakatulog noh?
 
Umiling lang si SC.
 
Maya: Kalma ka lang, wala ito. Enjoy mo na lang.
 
After Breakfast.
 
SC: Uhm, Nay Teresita ano po pwede kong gawin?

NT: Ay Richard huwag ka ng mag abala, hindi mo naman talaga kailangan magsilbi sa amin. Kung tutuusin wala kang dapat gawin dahil bisita ka namin.

SC: Nay Teresita, nabanggit po kasi sa akin ni Maya na may tradition kayong sinusunod, ayaw ko naman pong i-treat ninyo ako any differently. I want to do this po para kay Maya. So kung may maitutulong po ako sa inyo mas matutuwa po ako.

NT: Ay ikaw masusunod. Eh tutal wala pa si Lino at Bugoy eh kayo na lang muna ni Jeff ang tumulong sa amin sa Chibugan at kami ni Mamang magluluto.

SC: Sige po. (Smiles)

Sa Little Pards Chibugan.

Kute: Sa unli rice kasi namin ang ginagamit namin ay kahoy pangluto para tipid sa gas kaya magsibak na lang kayo ng kahoy, Pards, tulungan mo nga si Richard.

Jeff: Ok Pards. Ah Ser tara.

Habang nagsisibak ng kahoy ang dalawang lalaki ay naupo naman si Maya at si Kute sa gilid  para manuod. Tuwang tuwa naman ang dalawa sa nasisilayan. Dalawang matipunong katawan, nagpuputukan ang muscles kada sibak ng kahoy.

Sa sobrang init ng panahon ay nabasa na ng pawis ang suot nila Jeff at SC kaya naman itong si Jeff ay naghubad ng t-shirt na sinundan naman ni SC.

Napanganga at namula na lang si Kute at Maya. Hindi alam kung sa init ng araw o sa nasisilayan nakaramdam ng kakaibang init.

Kute: Whew! Ang inet!

Napatingin naman si Maya kay Kute.

Maya: Kute, affected ka?

Kute: Heh tigilan mo ako. Mainit naman talaga di ba?

Maya: Oo nga Kute. Uhm Kute, kuha mo nga ako ng kanin!

Kute: Kanin?

Maya: Oo, kanin lang kasi may ulam na ako eh.

Sabay tingin sa kay SC.

Kute: Pssst. Bunso ah! Ikaw ah!

Maya: Biro lang Kute. Pero Kute, parang ang sarap oh.

Kute: Wooooooow heavy ka ha! Magtigil ka nga! (Pero oo masarap nga si Jeff)

Tawanan ang dalawa.

Matapos naman magsibak ng kahoy ang dalawa ay nagabot naman si Maya at Kute kay Jeff at SC ng malamig na tubig at tuwalya.

Sa halip naman na inumin ng dalawa ay ibinuhos nila ito sa mga katawan nila.

Nag slow motion naman ang mundo ni Kute at Maya sa nasaksihan. Nganga.

Maya: (SC please stop, hindi ko ito kaya)

Sabay lunok at punas sa basang katawan ni SC.

Maya: Ah…ano….ah, ok ka ba? Uhm….

SC: I feel great actually, ngayon lang ulit ako nakapag exercise. Sarap ng feeling.

Maya: (Masarap din sa paningin) Ah..eh… buti naman. (Grabe ang muscles mo, sarap kagatin)

Hindi naman napigilan ni Maya na pisilin ang muscles ni SC.

SC: Maya.

Maya: Ah…eh so….sorry SC.

Sabay kagat labi.

That did not escape SC.

SC: (Oh you like that ha. Hmmmmm)

Biglang dating naman ni Mamang.

Mamang: Cristina Rose kailangan ko na yung mga kahoy pangsaing at malapit ng……….

Napanganga na lang si Mamang sa nasilayang mga magmamachohang katawan.

Mamang: Ay…. eh… Richaaaaaaaard, Jeeeffff, pwedeng pakibuhat na yung mga kahoy at SUNDAN ninyo ako. (Teases)

Maya: Mamang!

SC: Ah, ok po Mamang.

Binuhat na nila yung kahoy at sinundan ang pakendeng kendeng na Mamang.

Nagulat naman si Nay Teresita sa 2.

NT: Ay mahabagin!

Mamang: Salamat mga iho. Ay kung ganto naman lagi ang magsisilbi sa iyo ay, kahit taga saing na lang ako habang buhay.

NT: Nay! Naku Richard at Jeff, tumao na lang muna kayo doon sa labas at baka may mga customer na tayo. Meron pa naman sinangag dito para sa mga silog silog natin.

Jeff: Ah sige po Nay. Alam mo ser siguro mag apron na lang muna tayo oh eto apron ni Maya.

SC: Ah thanks.

Ang dalawang lalaki naging serbedor ng Little Pards Chibugan, ng naka apron lang at walang suot na tshirt kaya naman kumalat sa buong baranggay ang balita.

Halos umabot sa kabilang kanto ang pila ng Little Pards Chibugan na puno na ng mga kababaihan.

SC: Uhm ano pong order ninyo?

Customer: Pwede bang ikaw na lang?

SC: ?

Kute: Psst huy ano yan.

Customer: Naku Kute kung ganto naman kamacho at kagwapo mga magseserbisyo sa amin ay palitan ninyo si Bugoy at Lino!

Kute: Wow choosy ka pa ah. Sige panandalian lang naman iyan. Namnamin mo na. Ano extra rice ka?

Customer: Uu. Hihihi

Wala pang hapon ay ubos na ang paninda nila Mamang sa sobrang dami ng taong kumain ng araw na iyon. Kaya maaga na itong nagsara.

Pagod na pagod naman si SC. Kaya nagpahinga na sila sa sala. Suot pa rin ang apron.

Maya: Ok ka lang ba?

SC: Ok lang. (Smiles)

Maya: Thank you ha. For doing this.

SC: Anything for you.

Maya: Sino magsasabi ang CEO ng LAS naging serbedor ng Little Pars Chibugan.

Bumulong naman si SC kay Maya.

SC: May kapalit yun.

Nanlaki naman mata ni Maya at hinampas si SC.

Maya: Ikaw talaga! Ano ba gusto mo masahe?

SC: Kakaibang masahe.

Maya: Ssshhhh SC!

SC: Huwag ka ng magkunwari, nakita kita kanina. Iba ang titig mo.

Maya: Huh? Ano ba titig ko?

SC: Parang gusto mong…………… kumain.

Gasp.

Maya: Ssshhhh SC!

SC: Totoo naman ah.

Maya: SC ha! Pero, gusto ko yang suot mo na yan. Apron lang. Hihihi

SC: Kung gusto mo, punta ka sa kwarto ko mamaya at makikita mong apron lang talaga suot ko, walang pantalon. (Teases)

Maya: SC!

Napaisip naman si Maya. May namumuo sa kanyang isipan. Paano kaya? Parang masarap ding silayan na “apron” lang suot ni SC.

 Maya: Hihihi

 

SPG version – To be continue…

 

 

 

 

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

46 Responses to Paninilbihan

  1. Adiiiikkkkkkkkkkkkkkkkkkk apronnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn talaga hehe

  2. charmtaz24 says:

    OH MY! slow motion habang nagbubuhos ng tubig sa katawan! tapos titignan ka then smile! HOMAIGAHD!

  3. Kioskky says:

    Nang bitin ka pa! Hahaha

  4. bananakyut says:

    naku! sana walang istorbo! utang na loob!🙂

  5. zerronine says:

    Wow you’re back… I miss your naughty stories😜
    For you🌹

  6. reylangarcia says:

    Anak ng tokwa’t baboy. Mas uminit ang 33C na hapon ko dahil dito. It’s official sara, ang mga fan fics mo ay isa sa mga contributing factors ng global warming.

  7. Betchay says:

    Just wake up and first thing I did check your post. oooomg now I am really awake and imagination running wild. Next please

  8. fishkeeper03 says:

    Hihihi nakakakiliti naman are. Promise nakangiti lang ako mula simula gang dul! Apir!

  9. seattlepinay says:

    Hmmmm… apron lang? I like! hahahahahaha!

  10. Nina says:

    Kabog!!! Nagpalpitate ako haha.. Nagiging babae na si Kute haha at si Mamang juskoooo talanders talaga! Aliw na aliw ako dito haha. Thank you Ms. Sara! Ireready ko na sarili ko para sa SPG version haha at mag uunli rice din ako mukhang masarap ang magiging putahe.

    Wala akong masabi sa Apron! Agimat sya!!

  11. rmqcherrera says:

    apron lang talaga!!! aaayyy… like ko…

    so bitin nga lng… nakakasakit ng pu….. so….

    kaw na talaga ang reyna! 👑

  12. bluemonsterr says:

    SPG SPG SPG! Hahahahaha Okay din magbasa ng Rated PG, refreshing haha nice one!🙂

  13. Nakakaloka, wala bang ganitong eksena sa tv. Ang sarap mag imagine pero prang mas masarap makita. Haha!🙂

  14. stalker50 says:

    Kung apron lang, dapat yung tali nasa harap…😀

  15. tickler004 says:

    MORE!!!.. i can’t wait para sa susunod hahaha.. nabasa ko na lahat dito sana mas mabilis marelease ung mga bago <333

  16. miganne says:

    welcome back sara🙂

    winner ang apron! bongga …🙂 pak na pak 🙂

  17. mrsacc says:

    hahahaha… ang saya nito!!! hindi nawawala ang ngiti ko habang binabasa ko.. sundan na ng SPG!!!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s