After Dark: Cold and Heat

11pm na ngunit hindi pa makatulog si Maya kaya minabuti na lang nitong bumaba para magtimpla ng gatas. Habang papunta na ito sa kusina nakita niyang nakabukas ang lampshade sa office ni SC. Sinilip niya ang Principal’s office at tama ang hinala niyang nandoon pa si SC at busy sa kanyang laptop,nakakunot ang noo, kaya naman sa halip na gatas ang tinimpla ay kape na lang at madali niya itong hinatid kay SC.

Maya: Good evening po SC. Eto po kape ninyo.

SC: Gising ka pa?

Maya: Opo SC hindi ako makatulog eh.

SC: Ah sige thanks sa coffee. Uhm nga pala favor naman pahingi naman ako ng malamig na tubig.

Maya: Ah ok po SC sandali lang po kukuha kita.

Dali naman itong pumunta sa kusina at kumuha sa ref ng water at bumalik para ibigay kay SC. Ilalagay na sana ni Maya ang baso sa table ni SC ng napansin niyang nakakunot pa rin ang noo nito kaya naman umikot ito para makita niya kung ano ang ginagawa ni SC sa harap ng laptop. Hindi naman ito namalayan ni SC sa sobrang busy niya.

Laking gulat ni Maya sa nakita niya sa laptop ni SC. Picture ni Stephanie. Nagpintig naman ang tenga ni Maya sa nakita. Nagselos at nagalit. Kaya naman nakangiting kinabig ni Maya ang kwelyo ng polo ni SC sa likod at binuhos ang malamig na tubig sa likod nito.

Gasp.

Sa sobrang shock hindi agad nakapagsalita si SC as if trying to make sense of what happened, then na realized niyang nakatayo si Maya sa likod niya, nakangiti, nangaasar.

Maya: Eh kaya ka naman pala NAUUHAW SC eh.

Sabay talikod at aakmang lalabas ng hinablot ni SC ang braso nito.

SC: Hep hep saan ka sa tingin mo ikaw pupunta?

Maya: Matutulog na po SC.

SC: Don’t you realize what you just did? Why did you do that! (Pagalit na sabi nito)

Maya: Ang alin po SC?

SC: What?? (Disbelief)

Kinuha ni SC ang natirang tubig sa baso at binuhos naman sa likod ni Maya.

Gasp.

Maya: Aaahhhhh!

SC: That!

Maya: Ah ganoon?

Kukunin na sana ni Maya ang kape ng hinablot ulit siya ni SC.

SC: What? You are even thinking of pouring that on me? Tara dito, what the hell are you doing?

Maya: Nothing SC. (Innocent look) (nanginginig ang labi sa lamig)

SC: Ayan pareho tayong nilamig sa ginawa mo, basa pareho ang likod natin! (Sabay hubad ng polo shirt niya)

Natulala naman si Maya sa ginawa ni SC, sa nasaksihang mala adonis na katawan ni SC.

Maya: Eh, hin…. Hindi naman, parang ang init nga eh oh. Wooooo! (Namumula at pinawisan bigla)

Napansin ito ni SC kaya naman unti unti itong lumapit sa kanya, si Maya naman nakitang papalapit ng papalapit ang machong katawan ni SC kaya naman napaurong ito hanggang maramdaman na niya ang wall sa kanyang likod. Akmang liliko si Maya ng biglang humarang ang mga braso ni SC kaya nakulong siya dito.

SC: Why did you pour that water on me? (Taas ang kilay)

Maya: Bakit may picture si Stephanie sa computer mo? (Mas mataas na kilay)

SC: Selos ka?

Maya: Naku SC hindi ah.

Lumapit pa ulit si SC kay Maya at ngayon ay magkadikit na ang kanilang mga katawan. Lumapit ang mukha ni SC sa tenga ni Maya at bumulong.

SC: Tinag nya ako sa facebook, tinatanggal ko yung tag kasi naiirita ako sa mga picture.

Maya: Aahhhh (tumango tango lang) ( namumula at nag-iinit sa hanging lumalabas sa bibig ni SC)

SC: At para malaman mo, blo-block ko na sana siya kaya lang may nagbuhos ng malamig na tubig sa likod ko.

Maya: Aahhh (tumango tango pa ulit, hindi na mapakali dahil sa nagkikiskisan nilang mga katawan)

Ang init!

SC: Kung gusto mo ikaw ang umupo doon sa table ko para ikaw mismo magblock.

Inupo ni SC si Maya sa kanyang chair at siya ang nag guide nito habang siya ay nasa likod ni Maya.

Maya: O… Ok.

Habang binoblock ni Maya sa facebook si Stephanie, hinipan ni SC ang likod ni Maya pababa sending shivers to Maya.

Maya: Gaaaaaaahhhh!

Napatayo si Maya sa ginawa ni SC.

Maya: Whaaaa? Eh???

Maya: Bakit mo ginawa yun?

SC: Ang alin Maya? (Nangaasar)

Maya: Ah ganoon?

Lumapit ulit si SC kay Maya at nakulong na naman ito na nakasandal ang beywang sa table.

SC: Oo, ganoon. (Malambing na bulong nito)

Nanginginig na hinawakan naman ni Maya ang katawan ni SC para i push ito. Hindi naman natinag si SC at nakatingin lang sa mga mata ni Maya.

SC: Siguro maghubad ka na kasi nanginginig ka na eh, basang basa likod mo. Gusto mo tulungan na kita?

Maya: Ah eh SC, punta na ako sa kwarto, magpapalit na ako.

Hearing this, pinakawalan na niya si Maya.

SC: Ok, ayaw ko namang magkasakit ka. (Raising both hands as a sign of defeat)

Dali namang tumakbo si Maya sa kwarto habang nagpapaypay ng mukha dahil pulang pula na ito. Napangiti naman si SC at pinatay na ang ilaw sa office at naglakad na papuntang kwarto with matching humming.

Ng makapasok na si SC sa master’s bedroom.

Maya: I hate you. ( Pangiting sabi nito, na nakakibit balikat nakaupo sa kama )

SC: I love you more Maya.

They passionately kissed as a prelude to a very hot night.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to After Dark: Cold and Heat

  1. eijoj20 says:

    ang galing naman ang ganda……kilig much ako dun ha! more please thank at hindi bitin🙂

  2. rmqchua_herrera says:

    ang galing!!! nice entry… more, more more!!!

  3. meteor says:

    i luv it. hahaha..kakakikig ang dalawa. suave ni ser chief. salamat

  4. i just wanna ask kng anu ung name ng condo na nagsta-stay c maya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s