The Sleepover

This was my first FANFIC for BCWMH series. Yes, for those who read Excess Baggage, I am under author named : Sarasidle.

The Sleepover

Sa room ni Abby.

Abby: Ate Maya can I sleepover sa condo ninyo?

Maya: Naku Abby paalam muna tayo kay SC ha, pero syempre kapag pinayagan ka OO naman! Miss na miss na kita eh.

Abby: Ako din po Ate Maya miss na miss na miss na kita! Sige po I’ll ask Dad.

Pumunta sa Principal’s office si Abby.

Abby: Daddy? (May lambing na tawag nito)

SC: Yes baby?

Abby: Can I go on sleepover sa condo ni Ate Maya? MIss ko na po talaga siya eh.

SC: Hmm paalam muna tayo kay Maya kung pwede ok ba baby?

Abby: (Smiling) Yan din po sabi ni Ate Maya. Magpaalam daw po ako sa inyo and if you say Yes, payag daw po siya.

SC: Ganoon ba baby. Sige pero on 1 condition.

Abby: Ano po yun Daddy?

SC: Kailangan kasama mo ako. Sige tawagan natin si Ate Maya mo.

SC: (Calling Maya) Hello Maya?

Maya: SC napatawag po kayo? Nakausap ninyo po ba si Abby?

SC: Oo, nagpaalam siya sa akin na mag sleepover daw siya sa inyo.

Maya: Ah, SC ok lang po ba sa inyo? Miss ko na po kasi si Abby eh. Pwede po ba siya this weekend?

SC: (Smiling) Actually I said yes, basta pumayag ka, so OK naman pala.

Maya: Talaga po SC?! YES!! Thanks po talaga SC. Nandiyan po ba si Abby pwede po makausap?

SC: Sure (Giving the cellphone to Abby)

Abby: Hello Ate Maya looking forward to spend time na with you! Kaya lang sabi ni Daddy kasama daw siya. (Smiling)

Maya: (namutla) Ha?

SC: (Biglang kuha kay Abby ng cellphone) Ah eh …. busy kasi si Doris .. uhm I remember nagpaalam siya sa akin na may pupuntahan daw siya this weekend (kahit wala naman).

Maya: Ah ganoon po ba … Ah eh sige po sabihin ko po kay Emman kung ok lang tapos text ko na lang po kayo. Baka po kasi nakakahiya kay Emman.

SC: Ah sige ok and kung hindi pwede maybe kaw na lang mag sleepover dito. Kasi ano eh..miss na miss na ki.. miss ka na ni Abby.

Maya: Ok sige po SC. Bye Abby!

During dinner with Emman.

Maya: Emman.

Emman: O? Roomie bakit?

Maya: Kasi ano eh. Uhm.. pwede bang mag sleepover dito si Abby, miss na kasi namin yung isa’t isa eh.

Emman: Sus yun lang ba oo naman ano ba.

Maya: Eh ano eh. Tyaka ano..uhm kasama daw si SC. (Nahihiyang banggit)

Emman: Hah?! Kasama si SC? Haaaay naku Maya!!! Ikaw na talaga! Kinikilig na talaga ako sa inyong dalawa!

Maya: Ano ba.. hindi ganoon yun. Ano kasi wala kasi si Doris may pupuntahan daw ng weekend kaya walang kasama si Abby kaya si SC na lang.

Emman: Haaay naku Maya. Para-paraan yan ng SC mo promise!! But don’t worry it is ok with me and speaking of weekend, I have to go home sa South kasi pinapauwi ako ni Mommy so unfortunately I will not be here para makita yang lambingan ninyong dalawa!

Maya: Ha? Wala ka dito this weekend?? Hala paano na yan Emman. (Kinabahan si Maya)

Emman: O-o-o ano yang pamumula mo na yan? Hay naku enjoy nyo lang yang weekend nyo ni SC mo! Relax. Malay mo may bonggang mangyari. (Kinikilig)

Maya: Ano ba hindi naman yun yun eh, ikaw talaga, para kay Abby to noh. Miss ko na kasi siya.

Emman: Sus! Si Abby lang ba talaga miss mo? Naku sige paniwalain mo yang sarili mo sa illusion mo. Halata na rin yang SC mo. Haaay nakooooo!

Saturday morning kabado na si Maya, nakaalis na rin si Emman sa condo kaya siya na lang mag-isa dito.

Maya: Maya, kalma ka lang, relax. And besides hindi naman kayo tabing matutulog noh. Doon siya sa sala, kaming 2 ni Abby sa kwarto. Sige ok lang yan. Magluto ka na lang para kumalma ka.

Wala pang lunch time nag text si SC “Nandto na kami sa baba”.

Maya: Hala, andito na sila? 10:30AM pa lang ah? (Dali-daling hinubad ang apron at nag-ayos ng buhok sa salamin)
Lobby.

Abby: Hi Ate Maya!!!! (Sabay hug)

Maya: Abby! (Hug din kay Abby sabay kiss, then tiningnan si SC na mukhang nagtatanong) Hi po SC. Maaga po yata kayo, naku pasensya na po ah hindi pa po kasi ako nakakaluto kala ko po kasi mamaya pa kayo darating eh. (Aligaga na)

SC: Relax Maya, I want…. I mean Abby wants to be here early para daw mas matagal kayong magkasama.

Abby: Daddy wants to be here early also.

SC: Ah eh kasi ayaw namin ma traffic at saka … ano.. uhm…. gusto mo tulungan ka namin mag prepare ng food? By the way we brought cake. (Showing Maya the box)

Maya: Naku SC nag-abala pa po kayo. Thanks po SC. Tara na po sa taas. Salamat Ate Guard.
Loob ng Condo.

Maya: Uhm SC, kape po gusto niyo?

SC: Uh no I am fine. Ano ba niluluto mo?

Maya: Kare-kare po.
SC: (Ngiti) We can help you if you want. What do you want me to do?

Abby: Daddy, Ate Maya, can I watch TV?

Maya: Sure baby. Sandali sige buksan natin yung TV.
Abby: Ate Maya, thank you po for letting us be with you today and tomorrow. (Hugging Maya)

Maya: Awww of course baby. Ikaw pa!

Abby settled herself watching TV sa sala.

SC: Abby, will you be OK here? I am going to help Maya cook lunch ok?

Abby: Opo Daddy, I will behave myself po.

SC: That is my girl. (Goes to the kitchen to Maya) So what can I do to help?

Maya: Naku SC hindi ok na po ako na po bahala, relax na lang po kayo kasama ni Abby.

SC: Maya, let us not argue, I want to help, besides, look, ang dami pang vegetables na hindi nahihiwa. Atleast I can do something, having us here is a big favor na, atleast help me return the favor.

Maya: Uhm, sige po kung ok lang po sa inyo. Hiwain na lang po ninyo yung mga gulay. Eh marunong po ba kayong maghiwa?

SC: Maya ano naman tingin mo sa akin? I am an Engineer I think I know how to handle a knife. (Smiling)

Maya: Sabi ko nga po. Eto po yung isang knife. At eto nga po pala apron para hindi madumihan damit nyo. (Sinuot na rin ni Maya yung apron niya.)

SC: Pink apron?

Maya: Hahaha eh kasi po SC kay Emman po kasi yan. Ok lang po ba? Besides gwapo po kayo kapag naka pink.
Tumaas ang isang kilay.

Si SC nahihirapan ibuhol yung tali sa likod ng apron niya.

Maya: (a little hesitant) Uhm SC tulungan ko na po kayo.

SC: Ok Maya (Sabay talikod kay Maya for her to have access)

Maya: (Nanginginig na tinatali ang apron ni SC) Ayan, ok na po SC.

SC: (Smiling) Thanks Maya.

Sa dining table (magkatapat sila, medyo aligaga ang Maya) parehong naghihiwa ng mga sangkap. Nang biglang..

Maya: Aray! (Nahiwa ang index finger ni Maya)

SC: (Immediatly expressed concern at hinawakan ang daliring may sugat) It is bleeding, tara hugasan natin (Hawak hawak pa rin ang kamay ni Maya habang naglalakad papunta ng lababo.)

SC: Hindi ka nag-iingat kasi. Mas magaling pa yata akong maghiwa sa iyo? (teasing Maya)

Tulala lang si Maya at hindi pa nakaka get over sa paghawak ni SC ng kamay niya at nakatitig lang ito kay SC.

SC: Do you have an emergency kit?

Maya: (Bumalik ang ulirat) Ah eh sa banyo po SC, meron po doong kit. Kukunin ko po.

SC: No, ako na, stay here. (Dali daling pumunta sa CR)

Abby: Ate Maya are you ok?
Maya, Yes baby ok lang ako. Nood ka lang muna ng TV ok lang ako. (Smiling at Abby)

SC: (Kinuha ulit ni SC and kamay ni Maya) This will hurt a bit ok? (Sabay lagay ng alcohol)

Maya: (Napapikit si Maya sa sakit.) Ouch!

Dali dali namang hinipan ni SC ang sugat ni Maya.
Halos mahimatay si Maya sa ginawa ni SC. Nawala bigla ang sakit at napalitan ng kakaibang sensation.
Matapos ay nilagyan ito ng band-aid and out of habit hinalikan ang sugat ni Maya, na kahit siya ay kinagulat din ito.

SC: Ah sorry Maya nasanay kasi akong hinahalikan sugat ni Abby at Nikki to make themselves feel better.

Maya: (Halos mawalan ng boses) O…ok lang po SC.
Doon huminto ang oras dahil walang ibang magawa kundi tumitig lang sa isa’t isa. Halos tumagal ng 2 minuto ang titigan nila Maya at SC na para bang may gustong gawin kaya lamang ay may pumipigil na pwersa. Bumalik lamang sila sa kanilang ulirat noong nagsalita na si Abby.

Abby: Daddy? Ate Maya? Ok lang po ba kayo.

SC & Maya: Ok lang kami baby. (Pero nakatitig pa rin sa isa’t-isa)

Si Maya na ang pumutol ng titigan na hindi alam kung namumula o namumutla.
Maya: Ah SC. Naku paano ba ito.

SC: Ah, don’t worry Maya, just guide me on what I need to do, ako na lang magluluto.

Maya: Naku SC kaya ko na po, konting sugat lang naman po ito.

SC: Maya, its ok. Just tell me what to do. Ok lang.

Maya: Sige po SC. Kayo napo masusunod.

Habang nagluluto si SC at si Maya naman ang nag ga-guide sa pagluluto nito hindi maiwasang magdikit ang kanilang mga katawan at magkahawakan ng kamay na palihim na ikinatuwa ng dalawa. Kung ang kape na may paghalong pagmamahal ay masarap, ang kare kare na ito na may halong kilig, kakaibang sensation at passion, ano pa kaya ang lasa nito?

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to The Sleepover

  1. Pia says:

    Thanks Sara I’m enjoying reading it🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s