The Sleepover Part 4 (Finale)

Previously…

Abby: Daddy?

Biglang bumitaw ang dalawa sa isa’t-isa sabay tingin kay Abby. Nagpaypay si Maya gamit ang kamay at si SC naman ay napahawak sa batok.

Abby: Ate Maya? Daddy? Bakit gising pa po kayo? Nagising po ako ang ingay po kasi eh.

Maya: Ah.. naku baby pasensiya ka na ha nagising ka namin. Ano…eh sige tara na tulog na tayo. (Sabay tingin kay SC)

SC: Ah.. Maya

Maya: Sige na Abby mag “Goodnight” ka na kay Daddy.

Abby: Goodnight po Daddy. (Sabay kiss sa daddy niya)

SC: Goodnight baby. (Kissing Abby sa cheeks) Goodnight Maya. (Kissing Maya sa cheeks) We will talk tomorrow (Bulong nito)

Maya: Ah…. (Namula) Goo…goodnight din po SC.

Kinabukasan. Maagang nagising si Maya. There is this sense of peace na kahit papaano sa mind niya. Hindi naman na kailangan pang sabihin ni SC, sa mga narinig niya kagabi, sapat na iyon. Naligo muna at nagbihis bago lumabas ng kwarto. Medyo kinakabahan pa rin ito ng lumabas. Tulog pa si SC, nakangiting natutulog.

Maya: Hala, nakangiti talaga? Pero buti na lang tulog pa. (Bulong nito) Magluluto na lang muna ako ng agahan.

Habang nagluluto ng itlog,hotdog at bacon, naamoy ni SC ang niluluto ni Maya kaya siya nagising tumayo ito at pinagmasdan lang si Maya, ngumiti. Dahan dahan itong naglakad papunta kay Maya.

SC: Maya.

Maya: Ay! SC gising ka na pala. Eto matatapos na ito, gisingin ko na si Abby para maka pag breakfast na tayo.

Akmang pupunta na sa kwarto ng pinigilan ito ni SC hawak ang kanyang braso.

SC: Huwag muna. Let’s talk.

Maya: (Tumingin lang kay SC)

SC: Maya, about my question last night. I want to know if I can…. err court you. (Nahihiyang tanong)

Maya: Co…court me SC? Eh SC alam naman ninyong crush ko kayo eh matagal na.

SC: I know. And for the record I don’t want you to think that the reason why gusto kitang ligawan is because I know na may crush ka sa akin. In fact the feeling is mutual, before pa kaya lang I don’t want to pursue it because I am your boss.

Maya: Ha? Matagal na kayong may crush sa akin?

SC: (Shyly) Oo. Ilang beses ba kitang sinabihan na maganda ka? That should be a hint for you already. Soooo…. what do you think?

Maya: SC kailangan pa bang itanong yan?

SC: I want to hear it.

Maya: Ok. Yes. Oo. (Sabay tawa)

They hugged. Halos maiyak sila pareho sa saya ng nararamdaman.

SC: Thank you Maya. You don’t know how happy I am.

Maya: Ako din SC.

(Hindi pa rin bumibitaw sa yakap)

Maya: You know what SC, kahit di ka man manligaw sasagutin pa rin kita eh.

SC: Well, I want to court you. At kahit sagutin mo pa ako ngayon I will court you pa rin. Everyday will be Valentine’s Day Maya. Now is it ok if I kiss you?

Maya: Court pero kiss agad agad?

SC: Ayaw mo?

Maya: Uhm .. (shyly but smiling) Gusto.

SC: (Hinawakan ni SC gamit ang dalawang kamay ang mukha ni Maya sabay hinalikan sa lips si Maya)

This time nakapikit na si Maya, ninamnam ang sarap ng pagmamahal ni SC. Napataas tuloy ang kanyang kanang paa sa kilig. Nasa ganoong posistion sila ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Maya. Naramdaman ito ng dalawa kaya naman bumitaw ito sa isa’t isa at naglakad sa magkabilang panig. (Guilty)

Abby: Good morning Daddy! Good morning Ate Maya! (May napansin si Abby) Ate Maya? Daddy? Are you guys ok?

Maya at SC: Oo naman.

Maya: Bakit baby?

Abby: Kasi pareho po kayong namumula eh.

SC: Ah baby ano kasi uhm, nagluluto kasi si Ate Maya mo, mainit kaya namumula.

Abby: Eh bakit ikaw po Daddy, nagluluto ka rin?

SC: Ah…eh.

Maya: Naku baby, tara kain na tayo. Halika na dito. (Sabay aya sa table) O, sit ka na baby. (Then biglang tingin kay SC, nakangiti)

Naghain na si Maya, inayos ang pagkain, pinggan at utensils.

SC: Do you need any help?

Maya: Naku, huwag na SC, ok na. (Ngiting sagot nito)

Habang pinapanood ni SC si Maya, naupo na ito sa tabi ni Abby.

SC: I can get use to this. I love this. This is perfect. (Bulong sa sarili)

Abby: What is that Daddy?

SC: Uhm, nothing baby. I was just saying that Maya will be a perfect Mommy, yes?

Maya: (Na shock naman si Maya, naupo na tuloy siya at napatingin lang kay SC)

Siya namang lagkit din ng tingin ni SC kay Maya.

Abby: Can Ate Maya be my Mommy, Daddy?

SC: Do you want to, baby?

Abby: Opo Daddy.

SC: Sige baby, I am working on it.

Maya: (taas kilay pero nakangiti)

Matapos makakain.

SC: Uhm Maya, I need to take a bath. Is it ok if I use your bathroom.

Maya: Uhm, sige SC.

SC: Thanks Maya (nagpakita ng napaka sweet na smile)

Pagkapasok ni SC sa banyo naamoy na niya agad ang familiar na amoy. The smell of Maya. Napangiti na lang siya. Nilagay niya muna yung mga toiletries sa lababo. Hindi naman niya mapigilang amuyin ang shampoo at tuwalya ni Maya.

SC: Richard, focus. (Bulong nito sa sarili)

Habang naliligo si SC si Maya at Abby naman ay nagliligpit na ng kinainan. Tinutulungan ni Abby si Maya sa paghuhugas ng pinggan at pakanta kanta pa sila.

♪♫ · It’s amazing how you can speak right to my heart. Without saying a word, you can light up the dark Try as I may I could never explain ……♪♫

Inspired ang Maya. Matapos ay nag settle down muna sila sa sala. Siya namang labas ni SC.

Napanganga na lang si Maya sa nakitang bagong ligong SC. Mabango, fresh at gwapong gwapo.

Maya: Uh…ah.. Abby ligo ka na and prepare ko na rin ang gamit mo sa pag-uwi ninyo. (At para masolo ko muna itong si SC na super bango…(bulong sa sarili))

Abby: Ok po! (Pumunta na si Abby sa banyo)

Maya: Baby sigaw ka lang kapag may kailangan ka ha?

Abby: Opo!

Naupo naman si SC sa tabi ni Maya at tinitigan lang ito. Apektado naman si Maya sa bango ni SC. Wala namang magawa ang dalawa kundi magtitigan.

Maya: Ano? (Pangiting tanong)

SC: Wala, happy lang ako. Can we have dinner tomorrow after ng class mo?

Maya: Uhm. Ok.

SC: Nasa banyo pa si Abby.

Maya: Eh ano naman?

SC: Pakiss ulit.

Maya: Naku ha. SC ha. (Sa loob loob lang ni Maya, sa bango mo yan paano kita tatanggihan?) Sige n…..

(Hindi pa man din tapos ang sentence ni Maya ay hinawakan ni SC ang mukha nito at hinalikan sa labi.This time with passion and NEED. Sa sobrang intense ng halik ni SC, napaurong si Maya at napahiga sila pareho. Hindi naman pumiglas si Maya bagkos ay sinuklian din niya ito nagaalab na halik. Kumalas lang sila ng kailangan na nilang huminga. Akma ulit hahalikan ni SC ng..)

Maya: Wait..wait.. parang mina-mouth to mouth resucitation mo na ako niyan eh. Kaya lang parang baliktad, hindi ako makahinga.

SC: Di ba nga sabi ko sayo normal lang yun. Don’t you like it?

Maya: Actually super like ko siya. (sabay tawa) Tama na nga muna baka mamaya…

SC: Baka mamaya ano? Sabagay baka hindi ako makapagpigil sayo.

Maya: SC ha!

SC: Sorry. (Ngiting sabi nito)

Sabay balik sa pagupo ang dalawa. Hinawakan ni SC ang kamay ni Maya.

SC: I love you Maya.

Maya: I love you din SC.

Matapos namang maligo si Abby ay nagayos na sila pauwi.

Abby: Ate Maya, sana po ikaw naman mag sleepover sa bahay next week? Sige na po please?

Maya: Ah eh sige.

Abby: Promise?

Maya: Promise!

Hinatid na ni Maya sila SC sa parking lot.

Maya: Bye baby. Be a good girl ha.

Abby: Always po Ate Maya.

They hugged and kissed each other.

Abby: Bye Ate Maya!

Maya: Bye baby. Bye SC.

SC: See you tomorrow ok? (Bulong nito kay Maya, sabay kiss sa cheeks)

Matapos mahatid napabuntong hininga na lang si Maya.

Maya: Wow.

Later pumasok siya sa banyo, may napansin lang siyang kakaiba.Nakita niya ang toothbrush ni SC katabi ng tootthbrush niya. Seeing their toothbrush together made her feel giddy. Somehow it seems a premonition to their future.

Maya: Masarap ngang mainlove.

THE END.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to The Sleepover Part 4 (Finale)

  1. Bong says:

    Sana may Sleepover naman sa mansion… pleassseeee😉

  2. Nina says:

    Madam! Kelan ang continuation nito? :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s