The Sleepover Part 2

Cont..

Matapos makaluto.

Maya: Baby, kain na tayo! I-off muna natin yung TV ha mamaya na lang tayo manood.

Abby: Ok po Ate Maya.

Naupo na sila sa lamesa at habang kumakain.

SC: Ang sarap talaga ng kare-kare. Sana kapag pumunta ka sa bahay pagluto mo din kami nito.

Maya: Ah eh sige po SC kapag nagkaroon po ako ng time dadalaw po ako sa mansion.

SC: Kailan? Next week?

Maya: Agad-agad SC?

SC: Uhm, I just want to know para maka pag prepare din kami sa pagdating mo.

Maya: Naku SC baka kung anong preparation naman gawin ninyo. Baka maabala ko pa sila Manang Fe. Basta po text ko na lang po kayo kung makakabisita ako.

SC: Miss ka na rin naman nila Manang Fe eh.

Nag smile lang si Maya. Matapos ang hapunan.

SC: So Baby, what do you want to do?

Nang biglang nag ring ang phone ni SC.

SC: Hello? Ok… ok. I will be there. (Dissapointed face) Uhm, Maya I have to go, but I will be back. May asikasuhin lang akong importante sa office. I will be back ok?

Maya: Ah sige po SC. Ingat po kayo.

SC: Ok. Ikaw muna bahala kay Abby. Do you want something na pasalubong ko mamaya?

Abby: Pizza!

SC: You want pizza baby?

Abby: Yes daddy and spaghetti!

SC: Ok. (Kisses Abby and about to kiss Maya)

Maya: SC?!

SC: Oh, sorry I…

Maya: Ay ok lang po SC. Hindi ninyo naman po ata sinasadya. Sige po ingat po.

(Sinasadya ko kaya)

Buong araw naglaro sila Abby at Maya, nood movie, nag sing and dance. Lahat ginawa at aliw na aliw naman ang dalawa. At sa sobrang pagod 8PM pa lang nakatulog na si Abby, ipinasok na ni Maya si Abby sa kwarto niya then kiniss sa noo then lumabas na si Maya.

Maya: Gabi na ah, uuwi pa kaya dito yun? Hindi naman ako pwedeng matulog baka dumating. Ano ba ito makapag shower na nga lang. Wait, eh paano kung dumating bigla? Sige na nga dalin ko na lang cellphone ko sa banyo para sure. (bulong sa sarili)

Hindi pa man natatapos mag shower si Maya, biglang nag ring yung phone. Sinagot.

Maya: Hello?

SC: Andito na ako sa pinto kanina pa ako kumakatok? Are you guys there?

Maya: Naku SC sandali lang po, uhm kasi ano eh. Nasa kwarto po ako.

SC: Hurry up, kasi malulusaw yung ice cream. Hurry!

Maya: Naku uhm teka. (Aligaga) Ano na? Ano na? tsk. Bahala na!

Dali daling nagsuot ng tuwalya si Maya, basang basa ang buhok at babad sa sabon ang katawan, at lumabas para buksan ang pinto. Halos madulas pa ito sa dulas ng kanyang paa. Binuksan ang pinto.

Halos nabitiwan ni SC ang mga dalang pasalubong, nanlaki ang mata sa bumungad sa kanya. Oh the sight and smell of a sweet angel, no beautiful angel, no sexy, no gorgeous, erotic? Wait, what?

SC: Uh….

Maya: Pasok na po SC uhm… (Hiyang hiyang, pulang pula) Ah tapusin ko lang po… (Hindi na natapos ang sentence, tumalikod at aakmang tatakbo ng biglang dumulas ang paa)

Maya: Ay!

Nabitawan ni SC ang mga dala at nasalo ang likod ni Maya, sa sobra namang pagkabigla, halos nabitawan ni Maya ang kapit sa tuwalya, accidentally showing her legs and her side. Hindi naman nakaligtas ito sa paningin ni SC. Dali daling tumayo si Maya.

Maya: Ah uhm ano. (Pulang pula sabay lakad ng mabilis papuntang banyo)

Ang tulaley na si SC, hindi makakilos ang paa. Numb. Deads.

Matapos ang ilang segundo, nakalakad na rin si SC papuntang Ref para ilagay yung Ice Cream, then naupo sa sala . Tulala.

SC: Ano nangyari? (Bulong sa sarili)

Sa banyo.

Maya: Eeee ano ba. Ano nangyari?

Hindi na alam ni Maya kung magkukulong na lang ba siya sa banyo.

Maya: Maya, ok lang yan. Kalma ka lang. Nabigla ka lang sa sitwasyon. Wala ito. Minadali ka niya, nakasaplot ka naman. Aaeeeeiii ano ba?! (Iiyak o maiinis?)

Makaraan ang halos kalahating oras. Lumabas na si Maya sa kwarto.

Maya: Ah SC. Uhm ano eh. Pwede po bang kalimutan na natin nangyare kanina. Kasi kayo eh minadali ninyo ako eh.

SC: Uh, sorry Maya I didn’t know. Kalimutan na natin yun ok? (Pero hindi ko talaga yun makakalimutan hanggang sa mamatay ako)

Change topic.

Maya: SC nakatulog na po si Abby, kayo po ba gusto na ninyong matulog, baka po pagod na kayo?

SC: (Sa nakita kong yun sa tingin mo makakatulog pa ako? Nawala pagod ko infact baka maakyat ko pa Mt. Everest sa energy level ko ngayon) Uh hindi pa naman. I am not tired yet. Tyaka sayang naman yung food na binili ko. I rather watch a movie and eat pizza. Ok lang ba sayo? Nood muna tayo ng movie?

Maya: Ah eh ok po SC.

SC: Ano bang movies meron?

Maya: Eh SC puro po romantic comedy at roamntic drama ang mga movies ni Emman eh. Wala pong action.

SC: What made you think naman na I only want action? I love romantic movies. Ikaw Maya ano favorite mong movie?

Maya: Gusto ko yung The Notebook tyaka Nothing Hill.

SC: Sige panooring natin pareho.

Maya: O sige po SC.

Prenepare ang pizza at spaghetti sa sala then naupo na sila sa couch milimeters lang ang pagitan. Parehong tense. Maya’s scent evaded SC’s nose again.

SC: (Help me Lord!) (Sumandal ka na lang para mabawasan ang tense)

Maya: (Manood ka na lang para mabawasan ang tense)

The Notebook ang nauna. Kung si Maya tutok na tutok sa pinapanood niya si SC naman iba yung pinapanood.

SC: (Bakit ang ganda niya talaga? Bakit iba ang dating niya? Ang bango niya!)

Later may nakita si SC sa mukha ni Maya na ikinagulat nito.

SC: (Luha? Is she crying? Hindi napigilan ni SC, ipinawi niya ang luha ni Maya sa pamamagitan ng kanyang daliri)

Agad naman itong kinagulat ni Maya.

Maya: Ay! SC sorry naiiyak lang po talaga ako dito sa movie na ito. Lalo na po yung (spoiler alert) namatay sila ng sabay. Pasensya na po.

SC: Maya, why do you always do that? Why do you always apologize for something that nothing to be apologize about. Here let me. (Pinawi ulit ni SC ang luha sa kabilang pisngi using his handkerchief, titig na titig sa mukha ni Maya, habang si Maya naman titig na titig din kay SC)

SC: You look so beautiful Maya. (Wait, did I just say that out loud?)

Maya: Po?

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s